“Kapampangans love their language with a child’s love for his mother, calling it amanung sisuan .”

— Robby Tantingco

Lahat ng mga salitang makikita sa ibaba ay pangngalan at iilan dito maririnig sa awiting Himno ning Kapampangan.

kanangga – iba’t ibang mga langis at aroma na ginagamit upang magbigy ng isang nakalulugod na amoy ; pabango

Halimbawa: Talagang mabawu ya ing kananggang gagamitan mu ne?
(Tunay ngang maamoy ang pabangong ginagamit mo ‘no?)

misapwak – pagsilang mula sa ina; ipinanganak

Halimbawa: Ibat king lugud ng Mercy ampon Ronald, misapwak ya ing malagung i Chantelle.
(Mula sa pagmamahalan nina Mercy at Ronald, ipinanganak ang magandang si Chantelle.)

manyampukaki – sumosobra o umaapaw

Halimbawa: Manyampukaki ing ligayang penandaman ku napun uli na ning kanakung tawu.
(Umaapaw ang kaligayahang ipinadama ng aking kasintahan kahapon.)

karinan – lugar na inuuwian; tahanan

Halimbawa: Asne kalawut ing karelang karinan, menibatan yapa king Maguindanao.
(Ang layo ng kaniyang inuuwian, nanggaling pa mula Maguindanao.)

sangyuta – isang milyon

Halimbawa: Ngening panawung iti, sobra naka karakal asali king sangyuta.
(Sa panahon ngayon, marami ka nang mabibili sa isang milyon.)

alaya – direksyon kung saan makikita ang pagsikat ng araw; silangan

Halimbawa: Patse buri meng akit pangapaslag ning aldo, lumawe ka alaya.
(Kung gusto mong matunghayan ang pagsikat ng araw, tumingin kalang sa silangan.)

kimuk – tawag sa mga taong mabagal mag-isip; asiwa o kimaw

Halimbawa: Pakatutukan mepang turu i Cinimod uling kimuk ya.
(Kailangan mo munang tutukang turuan si Cinimod dahil mabagal siya mag-isip.)

katimawan – kalayaan

Halimbawa: Akwa me ing katimawan king pusu mu, nung patawaran me ing mikasala keka.
(Mararamdaman mo ang kalayaan sa iyong puso kung matututo kang magpatawad sa taong nagkasala sa’yo.)

sapni – taong nasa murang gulang pa lamang; bata o anak

Halimbawa: Ela biyasang maglaram ring sapni.
(Hindi marunong magsinungaling ang mga bata.)

katalaruan – makatuwirang paghuhukom o paghuhusga; hustisya

Halimbawa: Buri neng kuwanang Cheney ing keyang katalaruan bat king asawa nang mapanabusu.
(Gustong makamit ni Cheney ang hustisya mula sa asawa niyang mapang-abuso.)

Mag-iwan ng puna

Design a site like this with WordPress.com
Magsimula